Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na kaya magrationalize. Ubos na lahat ng logic at reasoning ko sa kakafigure out kung pano tayo nakarating dito sa point na to.
Alam mo ba kung gano ko nilalabanan ang sarili ko araw araw para hindi ka itext? Ang hirap, okay. Kailangan kong panindigan yung desisyon na ginawa ko 7 months ago na hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan. Sirang sira na yung diwa ko sa kakaintindi sa mga kasinungalingan na sinasabi ko sa sarili ko para lang kayanin ko ang bawa't araw.
Hindi ako magsisinungaling: hirap na hirap parin ako sa paglipas ng araw araw. Aaminin ko, ito yung taon na pinakamalala para sakin. 3/4 ng 12 months na 'to, mga araw na hindi ko alam kung anong nangyari o hindi ko matandaan kung may nangyari bang nakapagpasaya sakin ng husto. Oo, walong buwan na akong hindi masaya. Walong buwan na ako nagbubuhat ng basag na puso. Walong buwan na ako nabubuhay ng walang kainte-intention.
Akala ko noon, solb na ko sayo. Ikaw yung naging rason ng paggising ko sa umaga. Ikaw yung naging rason sa lahat ng ginawa ko. Ikaw yung naging rason kung bakit ako punong puno ng pagmamahal. Pero hindi e. Ninakaw mo sakin yung abilidad kong magmahal ng buong buo. Ninakawan mo ko ng pagmamahal: pagmamahal mo at pagmamahal ko sa sarili ko. Ninakawan mo ko ng tiwala: tiwalang wala ng mananakit pa sakin. Pano pa ako magmamahal ulit kung yung isang tao na pinagkatiwalaan ko ng lahat lahat, iniwan ako ng sobrang bilis di man lang siya nagsisi.
Di ko na talaga alam gagawin ko. Inubos mo ko. Wala ng natira sakin na kahit ano. Dignidad ko, pagmamahal ko, tiwala ko.. pati buhay ko wala na dahil sayo. Oo, hindi pa ko nakakapagsimula ulit. At di ko alam kung makakapagsimula pa ako ulit. Mahal na mahal parin kita. Wag mo akong itulad sayo na kayang kaya mawalan ng pagmamahal na kasing bilis ng jeep na humaharurot.
Tangina lang talaga. KAUSAPIN MO NA AKO AT BIGYAN MO NA KO NG CLOSURE. Please lang :(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment